1. Skip to Menu
  2. Skip to Content
  3. Skip to Footer>

Doctrines what we believe

Select a news topic from the list below, then select a news article to read.

Paunang Salita

Thursday, 09 September 2010 22:17

Kung hindi iuunat ang kanyang makapangyarihang kamay upang sagipin ang planetang daigdig, ay tiyak na patuloy ang pagbulusok nito sa walang hanggang pagkapahamak. Kundi sa pag-ibig ng Dios sa mga tao na kanyang nilalang ay walang isa mang magtatamo ng kaligtasan. Ang mga nangyayaring kapahamakan ng mga tao ay bunga ng kasalanan. Ito ang lasong mabagsik na unti-unting kumakalat; parang bahang lumalagom sa buong sangkatauhan; na kung hindi sa kahabagan ng Dios, ay wala isa man na makahaharap sa kanya upang magtamo ng buhay na walang hanggan sa inihanda niyang kaharian.

Read more...

Maigsing Kasaysayang ng Biblia

Thursday, 09 September 2010 22:17

Ang Salita ng Dios

Ang Biblia ay ang aklat na sa pamamagitan nito ay ipinahayag ng Dios ang kanyang kalooban sa tao, at sa pamamagitan nito ay inilahad sa sangkatauhan ang mga daan ng buhay at kamatayan.

Ang Biblia ay sing-ganap ng lahat ng pinapaging gayon ng Dios, at sa makatuwid ay walang kamalian. Ito’y nagtataglay sa kanyang sarili ng patotoo ng kanyang pag-aangkin ng pagka-makalangit, na hindi matitinag ng pinakamatinding ulos ng mga di sumasampalataya (infidel).

Read more...

“Saliksikin ninyo ang mga Kasulatan”

Thursday, 09 September 2010 22:17

T. Ang pangungusap na ito ay namutawi sa mga banal na labi ng ating Panginoong Jesus, ano ang biyayang matatamo sa pagsasaliksik ng mga kasulatan?

S. (a) Pagkakilala sa Panginoong Jesus, at (b) buhay na walang hanggan.

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” (Jn. 5:39 )

Read more...

Ang Cristo ang Sentro ng Kasulatan

Thursday, 09 September 2010 22:17

T. Ano ang banal na layon ng Dios sa pananagumpay ng kanyang aklat sa pag-iral nito hanggang sa mga huling araw na ito?

S. Upang ipahayag ang kanyang Anak, na siyang hiwagang natago sa katahimikan ng panahong walang hanggan.

“At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya.” (Roma 16:24-26)

Read more...

“Lalangin Natin ang Tao”

Thursday, 09 September 2010 22:17

T. Ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kung paanong nagkaroon ng tao?

S. May kasama ang Dios nang lalangin ang tao.

“At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.’ (Gen. 1:26)

Read more...