1. Skip to Menu
  2. Skip to Content
  3. Skip to Footer>

Sino kang tumututol sa Dios Roma 9:20

PDF Print E-mail

Baby Crying

February 28, 2010

Bible Study: SINO KANG TUMUTUTOL SA DIOS (ROMANS 9:20 )

May mga tao na imbis na magpasalamat ay sinisisi pa ang Dios sa kalagayang kinaroroonan niya, sa halip na purihin ang Dios ay paglibak pa ang isinusukli – Romans 9:20 . Siya ang manlilikha, kung baga sa palayok, isang sisidlan sa ikapupuri – t. 21. Ano kung ihayag ng Dios ang kaniyang kagalitan – tt. 22-23. Hindi lamang mga Judio, pati ang mga Gentil ay tinawag na kaniyang bayan – tt. 24-26. Kung ang Israel ay dumami ng kasing dami ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas. – tt. 27-28. Kung walang iniwang isang binhi tayo’y naging katulad sana ng Sodoma at Gomorra – tt. 29-33. Kahit noong una pa, ang mga taong matutol sa Dios at sa mga kinakasangkapan, sila ang mga napapahamak. Anomang buhay ang nasa iyo ngayon ay mailalagay sa maayos kung magiging masikap sa maraming bagay. Huwag laging palaasa sa gagawin ng iba, ang laging isa isip ay kung ano ang magagawa ko upang makatulong sa mga nangangailangan, siya ay magiging mapalad – Acts 20:35 Ang inaakalang mabuting gawin, huwag sa isip at salita lamang, gawin agad ang dapat gawin. Magiging kasalanan ito sa iyo kung hindi mo ginawa – Jas 4:17

Verse of the week:
Romans 9:20 – Nguni’t, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?

Naghanda:
Elder Jesus F. Simbulan
JFS/fal

Mga awitin sa Himnario
41, 81, 32 (14)
Intermission: 92
Awit Panalangin: 22